Positibo si Pangulong Rodrigo Duterte na darating ang panahon na makakatayo na tayo sa sarili nating mga paa at hindi na natin kakailanganin ang tulong ng ibang bansa.
Ito ang pahayag ni Pangulong Duterte sa harapan ng mga miyembro ng Philippine Marines nang bumisita sa Philippine Marines Corps Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City nitong Martes ng gabi.
“This Republic of the Philippines will continue to be great at tsaka in the, sabi ko, pagdating ang panahon, hindi na natin sila kailangan lahat. We will survive on our own, we will fight our wars as our own and we will win as a country,” sabi pa ng Pangulo.
Umapela rin ang Pangulo sa mga Marines na manatiling tapat sa Republika ng Pilipinas.
“Give me time so that I can go out of this ambit of war. Kinakaya-kaya kasi tayo ng Amerikano, binastos na. Because there’s always China and I’ve talked to (Russian Prime Minister Dmitry)Medvedev…pagka-inipit nila ako, I will have alliances pero hindi ano, new alliances of commerce and trade, so I’ll be visiting China and maybe Russia… if they continue to manipulate and then, you will understand why,” paliwanag pa ng Pangulo.
Umangal din si PDu30 sa pagtratong ipinakikita sa Pilipinas ng US.
“Bakit mo pakialaman mabigat ang problema, ang puno’t dulo nito is that you cannot understand a friend, instead of helping us, alam nila ang budget, ‘cause they have a government instead of that, aatakihin ka..Sabi ko, ah ganon? ‘Di sige. So please understand, but this will rise,” sabi pa ni Duterte.
Nilinaw din ni Duterte na wala siyang ibang hinangad bilang Pangulo ng bansa kundi ang mapayapang Pilipinas.
“This will take a much of my time. I have a quarrel with everybody, but let me just, ‘tong pagka-Presidente ko ha… I wala akong ano niyan, except economic benefits will come if there is a peaceful Philippines. Ina-undermine tayo ng Amerikano ngayon, they’re manipulating na low ang peso raw bumaba,” giit pa ni Duterte.
Sasabihin naman nya uli….IM SORRY…
Amen God willing!
ano ba yun, makakatayo sa sariling paa, tapos hihingin ang tulong ng nga mga ruso at chekwa, mga hindi demokratikong bansa….ewan.
andres bonifacio a bobo a tao…! ang sabi ng pangulo “darating ang panahon na makakatayo na tayo sa sarili nating mga paa”. darating future tense. gusto mo agad-agad makatayo ang bansa at mga pilipino sa sariling paa, eh ninakaw lahat ng mga amo mong dilawan ang kaban ng yaman. kaya natural na sa simula kailangan ng tulong ng malalaking bansa. gusto mo right away makatayo sa sariling paa? nagmamadali ka? may lakad ka? sige na layas ka na!
hahaha! 1,000,000x nagmamadali! may lakad! kasama ng mga tuwad este, huwad na katipunero!
mukhang limunado lang ang utak mo..ikaw ang bobo. kelangan mo paghirapin muna ang 100 milyong Pilipino para lang sabihin na makakatayo sa sariling paa. bugok ka pala parang amo mong si deteteng nakapatong lang ang ulo sa leeg.
saan lakad mo? ba’t nagmamadali ka?