WEAKEST LINK

Melanie Marquez

HABANG tumatagal, nakakairita ang acting ni Melanie Marquez sa A Love To Last.

Isa siyang sore thumb at weakest link sa napakagagaling na cast ng nasabing tele­serye na pinangungunahan nina Bea Alonzo, Ian Veneracion at Iza Calzado.

***

Walang katotohanan ang pinalutang na tsika ng isang singer na hiwalay na si Lea Salonga sa kanyang asawa na si Rob Chien. Ginawa pang status ni Lea sa kanyang social media account ang kanilang wedding photo caricature.

***

Friday the 13th ngayon.

Sa Oktubre ang isa pang Friday the 13th ng taon.

***

Ikaapat na elimination round ng Runway Superstar mamayang 11:00 PM sa One 690, #39 Roces Ave., QC.

Matapos magpasiklab ang bikini hunks nina Ronald Mendoza Cristobal, Karla Jalandoni at Bembem Kho, magpapakitang-gilas mamaya ang shobilicious boys ni Shobi Dionela.

Ang tiket ay P300.

Para sa updates, follow Pinipig de Manila sa Twitter @jerryolea.

***

Sa Linggo (January 15) ng 5:00 PM ang pilot airing ng Kapuso comedy game show na People vs. The Stars.

Ang unang celebrity challengers ay ang magbabarkadang sina Alden Richards, Derrick Monasterio at Kristoffer Martin!

Naku, magawa kaya ng manonood na kalabanin ang kanilang idols?

If yes, magpapatalo kaya ang Kapuso heartthrobs?

***

Nakakaintriga ang sagot ni Kristoffer Martin nang tanungin kung ano ang b-day gift niya sa Hahamakin Ang Lahat co-star na si Joyce Ching kamakailan.

Natatawa niyang sagot, “Pagmamahal. Kasi ‘yun, hindi binibili ‘yun. Binibigay ‘yun freely.

“And I chose to give her my love freely.”

***

Nagsimula nang mag-shooting si Alfred Vargas sa kanyang Cinemalaya entry na Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa written and directed by the Tanglaw Diva’s special friend Perry Escaño.

Ito bale ang ika-limang Cinemalaya entry ni Alfred.