Hindi na nagtataka ang isang senador kung ipinupursige ngayon ng Department of Justice (DOJ) na maging state witness si Janet Lim Napoles upang makasuhan ang iba pang opisyal at kaalyado ng administras­yong Aquino.

Gamit ang pamosong linyang “weder-weder” ni dating Pangulong Joseph Estrada, sinabi ni Sen. Richard Gordon na kung noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay mga miyembro ng oposisyon ang nakasuhan sa pork barrel scam, sa panahon ngayon ay ang mga opis­yal naman ng dating administrasyon ang posibleng makasuhan.

“Ang problema natin kung si Erap sinabi niya weder-weder lang pag naupo ‘yung iba may bagong suspects na naman. ‘Yung mga hindi naimbestigahang maigi dati lalabas ngayon,” wika ni Gordon.

“Ang kumakalat noong araw nu’ng lumabas si Napoles, bakit ‘yung sa administrasyon hindi isinasama? ‘Yan ang agam-agam ngayon. Ngayon iyan ang lalabas ngayon,” dagdag ng senador.

Hindi naman kontra si Gordon sa reinvestigation ng pork barrel scam kung may mga sapat na ebidensiya para isabit ang mga opisyal ng dating administrasyon na hindi kasama sa kinasuhan.

Sinabi pa ni Gordon na kailangan ding kasuhan ang iba pang indibidwal na sangkot sa iregular na paggamit ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund subalit naging kaalyado na nga­yon ng administrasyon.

Kung hindi umano ito gagawin, hindi magkakaroon ng closure sa nasabing isyu dahil kapag naupo ang bagong administrasyon sa 2022, ang mga kaalyado naman­ ng Duterte administration ang hahabulin sa pork barrel scam.

“Magwe-weder-weder­ palagi iyan kaya dapat credible ang sino mang mag-iimbestiga ngayon kung lahat kasama. Baba­lik at babalik ‘yan. Iyan ang ayoko ‘yung gantihan nang gantihan,” paliwanag pa ni Gordon.

3 Responses

  1. Maraming may kaso na senador. Si lacson sa kuratong. si paqyu sa bri. Sa pdaf sina honasan, at marami pa n nkadikit sa sindkato ni sayad