May kasabihan na ang gobyerno ang dapat lumalapit sa tao para magbigay ng serbisyo-publiko. It should not be the other way around.
Well, let’s give credit where credit is due sa programa ng pamahalaan na bigyan ng tig-P20,000 na financial assistance ang mga OFW na stranded ngayon sa Saudi Arabia.
Kasama sa mga mabibiyayaan iyong mga na-layoff sa trabaho sa mga kumpanyang tulad ng Saudi Oger na nag-downsize ng work force dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng krudo sa world market.
11,000 x P20,000
Hindi naman maliit na pera lang ang involved dito dahil may 11,000 OFWs ang stranded ngayon sa Saudi, na ang marami ay hindi makauwi dahil may problema sa kanilang mga papeles.
May mga puwede namang umuwi pero ayaw pang umuwi dahil nagbabakasakaling makahanap ng kapalit na trabaho sa Saudi.
Kung anuman ang reason ng pagiging stranded ng 11,000 OFWs, good news para sa kanila na bukod sa P20,000 ay tatanggap naman ng tig-P6,000 ang kani-kanilang pamilya sa Pilipinas.
Walang makain
Ang mga tauhan ng POLO-OWWA sa Saudi ang nagsipunta sa kinaroroonan ng stranded OFWs upang makapag-fill up sila ng forms.
Tama lang na ang POLO-OWWA ang pumunta sa camp site ng mga OFWs dahil marami sa kanila ang wala nang makain at marahil ay wala nang pamasahe na pumunta pa sa ating embahada o konsulada.
Iyan ‘yung sinasabi nating bringing the government to the people.
Luhaan
Ito yata ang unang pagkakataon na narinig natin na magkakaroon ng onsite financial assistance ang OWWA. Sa mga nakaraang administrasyon kasi ay dedma lang halos ang OWWA sa ganitong mga problema ng stranded OFWs.
Marami ngang OFWs o ex-OFWs na sa mismong opisina ng OWWA sa Pilipinas nagpupunta pero pag-uwi ay luhaan.
We just hope na tuluy-tuloy na ang pagbabago na ito.
As an aside, dapat na ring isalang sa review ang financial standing ng OWWA upang mapanagot ang mga nagwaldas ng pondo nito, kung meron mang nangwaldas.
Come Follow Me on Twitter @beeslist. And Chime In with your opinions or comments.
Kung may pinagsisintir, email lang sa usapang_ofw@yahoo.com o tumawag sa phone number 551-5163.