Hero’s welcome ang naghihintay sa pagdating ni silver girl Hidilyn Diaz mamayang hapon sa NAIA Terminal 3.
Tinapos ni Diaz, 25, ang 20-taong pagkatigang ng Pilipinas sa kahit anumang kulay ng medalya sa Olympics.
Silver lang ang nabuhat ni Hidilyn sa women’s 53-kg class ng weightlifting sa Rio Olympics, pero kasing-kinang na rin ng gold para sa Filipinos na matagal-tagal nang uhaw sa medalya mula sa quadrennial games.
Umalis si Hidilyn sa Olympic Village Martes sa Rio, dadaan ang 25-hour flight niya sa Dubai bago makakarating ng Pilipinas mamayang hapon. Kasama niya sa biyahe ang coach niyang si Alfonso Aldanete at si lifter Nestor Colomia na inalat sa Rio.
Ayon kay Philippine Olympic Committee first vice president Joey Romasanta, una sa mga sasalubong kay Hidilyn ang mga magulang na sina Eduardo at Emelita na manggagaling pa ng Zamboanga City sakay ng private plane ni PLDT at Smart chairman Manny V. Pangilinan.
“Gagamitin daw ‘yung eroplano ni MVP,” ani Romasanta, chef de mission ng PHL delegation sa Rio.
Emosyonal na nagpaalam si Hidilyn sa mga kapwa-Filipino athletes na naiwan pang makikipagkumpetisyon sa Rio.
“Excited na ako umuwi pero malungkot din ako kasi iiwan ko na kayo,” ani Hidilyn.
Bago umuwi, may pahabol sa mga kasama ang unang Filipina medalist sa Games: “Good luck sa inyo. Kaya n’yo ‘yan.”
CONGRATS SILVER GIRL….WE PROUD OF YOU….GOD BLESS YOU!!