Pormal nang kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng estafa at falsification of public documents si Bryan Sy at ibang may-ari ng WellMed Dialysis and Laboratory kaugnay ng mga `ghost claims’ sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth)

Kasamang kinasuhan ng NBI ang mga WellMed executives na sina Dr. John Ray Gonzales, medical director; Claro Sy, chairman; Alvin Sy, corporate treasurer; Therese Francesca Tan, purchasing officer; Dick Ong, administration officer; at mga doctor na sina Dr. Porshia Natividad at Joemie Soriano.

Kinasuhan din ang dalawang whistleblower na sina Edwin Roberto and Liezel Aileen de Leon.

Kasong estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code at falsification of documents sa ilalim ng Article 172 in relation to Art. 171 ng Revise Penal Code ang isimampa kay Sy sa Department of Justice (DoJ).

Magugunita na ibinunyag ni Roberto na dating assistant manager ng WellMed sa kanyang sworn statement na inutusan siya ni Sy noong Marso 30, 2016 na mag-claim sa PhilHealth gamit ang pangalan ng mga namatay ng pasyente.

Samantala, ibanasura ng Manila RTC Branch 20 ang petition for issuance of writ of habeas corpus na inihain ng maybahay ni BrianSy na si Gina
ng Therese Francesca Tan-Sy.

Kasunod nito’y ipi­nauubaya na rin ng korte sa DOJ inquest prosecutor ang pag-determine sa validity ng warrantless arrest laban kay Sy.
Mananatili si Sy sa custody ng NBI.(Juliet de Loza-Cudia)