Wells, San Miguel nilaklak ang Alaska

Mga laro sa Miyerkules: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – NorthPort vs Columbian
7:00 pm – TNT vs
Phoenix Pulse

Nagsabwatan sina Dezmine Wells at Terrence Romeo para itala ng nagha­hangad ng grand slam na San Miguel Beer ang ikalawang sunod na dominanteng panalo, binigyan ng 109-83 saklap ang Alaska Milk at sumalo sa triple-tie sa lead sa 44th PBA Governor’s elims Cup Linggo nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Agad nag-init ang Beermen sa paulan ng tres sa unang minuto bago nagulantang sa balikwas na Aces na nahablot ang kalama­ngan sa matinding atake sa huling minuto ng first period bago sa laro tungo na sa pagtatala ng ikalawang sunod nitong panalo at makisalo sa ikalawang puwesto ang NLEX at at Talk ‘N Text.

Anim na Beermen ang nagtala ng double figure sa pamumuno nina Wells na may 25 points, 7 rebounds, 3 steals at 1 assist, samantalang nagtrabaho si Romeo ng 18 markers, 4 dimes, 2 boards, at isang stl.

Naka-tig-10 puntos naman bawat isa sina June Mar Fajardo, Alex Cabagnot, Kelly Nabong at Arwind Santos. May siyam din si Von Pessumal.

Isang tres ni Romeo sa 4:22 minuto ng laro ang nagbigay ng pinakamalaking 35 puntos na abante sa San Miguel sa laro, 105-70.

Una munang tinala ng Aces ang apat na puntos na bentahe sa pagtatapos ng unang 12 minuto ng sultada, 29-25. Pero bumawi ang Beermen sa binuhos sa 24 puntos sa ikalawang yugto kontra sa 13 ng kalaban upang ipunin ang 59-42 kalamangan sa halftime.

Umalagwa pa ang Beermen ng 32 puntos sa ikatlong yugto habang nilimitahan ang Aces sa 17 puntos lamang upang itala ang 22 puntos na bentahe matapos ang 30 minuto ng laro sa 81-59. (Lito Oredo)