Welter belt naidepensa ni Askren

Napanatili ni Ben ‘Funky’ Askren ng United States ang ONE welterweight world title nang pataubin si Zebaztian ‘The Bandit’ Kadestam ng Sweden sa Shanghai Oriental Sports Center sa Shanghai, China.

Ginamit ni Askren ang husay sa wrestling para ibagsak si Kadestam, tinapos ng former US Olympian ang kalaban matapos nang pag-uupakan sa mat.

“I really had a wonderful time in Shanghai. Thanks for having me. It’s an honor to be here,” ani Askren pagkatapos ng laban.

Naghamon pa si Askren sa mga gustong umagaw ng kanyang titulo, nakahanda daw siya.

“I am ready for anyone in the world who wants to step up to the plate and challenge me for my title.” ani Askren.

Sa co-main event, hindi pinahiya ni Chinese flyweight prospect Ma Hao Bin ang kanyang fans matapos payukuin si Hexigetu.

Sinikwat naman ni Japanese veteran Tetsuya Yamada ang unang panalo sa ilalim ng ONE Championship umbrella matapos kalusin si China-based American Kyle Rozewski.