Mga laro ngayon (Muntinlupa Sports Center)
1:45 pm – Foton vs. F2 Logistics
4:10 pm – Cignal vs. Smart

Kakapit si Foton coach Rommel Abella sa kanyang mga imports na sina Elizabeth Wendel at Brooke Kranda laban sa defending champion F2 Logistics sa Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa Muntinlupa Sports Center mamaya.
Sa 2-3 card, palalakasin ng Tornadoes ang kapit sa No. 4 para makausad sa susunod na phase.

Kailangan din ni Abella ng suporta ng locals na sina Dindin Manabat, Maika Ortiz, Gyselle Sy at Gen Casugod.
Inaasahan ng Tornadoes na dadaan sila sa butas ng karayom dahil mainit ang Cargo Movers na nasa second spot ng team standings sa 4-1.

Aminado si F2 Logistics coach Arnold Laniog na mapapalaban din sila dahil nangangailangan ng panalo ang Foton para makaiwas sa top seed Petron sa second round.

Sa second game ang banatan ng Cignal HD Spikers at Smart Giga Hitters.