Wendy ng Red Velvet lumagapak sa stage

Nagkaroon ng aksidente sa rehearsal ng 2019 SBS Gayo Daejeon noong mismong araw ng Pasko, December 25.

From SM Entertainment spokesperson, “During rehearsals for her individual performance for 2019 SBS Gayo Daejeon, Wendy fell from the stage and sustained injuries.

“Wendy was immediately taken to the hospital for a thorough examination, and she sustained injuries to her face and fractures in her pelvis and wrist on the right side of her body. She has undergone emergency treatment and is currently awaiting additional examinations.

“As her health comes first, we will focus on her treatment.”

Malaki rin ang tinamong pinsala ng Red Velvet’s member na si Wendy.

Dahil sa pangyayaring ito, nag-aalala nang husto ang mga fan nina Wendy at Red Velvet. Karamihan din sa kanila ay galit at sinisisi ang SBS sa nangyari. Na dapat daw, safety muna ang sinisiguro.

Naglabas na rin ng apology ang SBS network.

At dahil nga sa nangyaring aksidente, hindi na itutuloy ng Red Velvet ang paglabas nila sa SBS year-end show. Pero sa inilabas na statement kahapon ng SM Entertainment, sa SBS lang sila hindi magpa-participate. Tuloy naman sila as individual performers sa KBS at MBC.
Narito ang official statement ng SM Entertainment.

“With the exception of Wendy, the other four Red Velvet members will only participate individually such as for their planned collaboration stages and MC role at the KBS Song Festival and MBC Music Festival, and Red Velvet will not perform as a group. Wendy is currently hospitalized and receiving treatment. She will focus on treatment until her health is recovered.”