May reputasyon si Russell Westbrook na minsan ay nangingibabaw ang init ng ulo sa mga laro, madalas ay nakabantay na sa kanya ang referees.
Alam ni Westbrook na siya ang bad guy sa court.
Walang iniwan sa laro ng Houston Rockets kontra Golden State Warriors Biyernes nang gabi sa San Francisco.
Sa kaligtaan ng fourth quarter, nakipaggirian si Westbrook sa Warriors, nakipagbanggaan pa kay Damion Lee.
Hindi sinadya ng Rockets guard, pero pagkatapos ng replay review ay pinituhan si Westbrook ng pangalawa niyang technical at na-eject.
“I’m always the one that gets painted to be a bad guy in the whole situation,” aniya.
“I’m in a position of like, ‘Oh well, Russ is being Russ,’ which nobody knows what that means. But I’ve got to do a better job of holding myself accountable to a very, very high standard. I will make sure I leave no room for error to allow somebody and people to paint me out to be a guy that I’m not.”
Unfair daw na siya lang ang nae-eject.
Nagsumite si James Harden ng 29 points at 10 assists, tumapos si Westbrook ng 21 points at 10 assists bago napatalsik at nagtuloy ang Houston sa 135-105 win laban sa Golden State.
Pasok ang lahat ng limang 3-pointers ni PJ Tucker, bahagi ng 25 3s ng Rockets – franchise record na binigay ng Warriors.
May 22 points si Andrew Wiggins, namigay ng 7 assists Draymond Green sa Warriors. (VE)