Big deal sa NBA fans ang Christmas Day games, walang pinagkaiba ngayong taon. Pinaka-inaabangang laro ang dayo ni LeBron James at ng Lakers sa Golden State Warriors sa Oracle Arena. 

Sa iba pang iskedyul, toka ng Houston Rockets sina Russell Westbrook, Paul George at Oklahoma City Thunder.

Rockets ang may best record sa NBA noong isang taon pero hilahod sila ngayon. 

Magtatagpo rin ang dalawa sa pinakamaangas na teams ng Eastern Conference, ang Boston Celtics at Philadelphia 76ers. Bubuksan ng Milwaukee Bucks at New York Knicks ang Christmas Day hostilities sa Madison Square Garden. 

Final game ng Dec. 25 ang dalawang playoff contenders sa West na Utah Jazz at Portland Trail Blazers. Nabuhay muli ang karibalan ng 76ers at Celtics, sinipa ng Boston ang Philly sa Eastern Conference semifinals noong nakaraan. Sayang lang at wala si Knicks big man Kristaps Porzingis (ACL surger) kaya hindi mangyayari ang tapatan nila ni Giannis Antetokounmpo ng Bucks.

VE