Westbrook, Murray nagkainitan

Umiskor si Nikola Jokic ng 24, umayuda si Jamal Murray ng 19 at naligtasan ng Denver Nuggets ang Oklahoma City Thunder 109-98 pagkatapos magkainitan sina Murray at Russell Westbrook Biyernes nang gabi.

Nagtulakan at nagsagutan sina Russell at Murray habang magkatabi bago ang jump ball sa final seconds. Tinangkang mamagitan ni Jokic, siya naman ang pinagbali­ngan ni Westbrook. Walang umigkas na mga kamao, pero naging tensiyonado ang ilang segundo pang natitira sa laro.

“He’s a competitive guy,” ani Jokic patungkol kay Westbrook. “He didn’t want to lose. All is good. I just wanted to separate them.”

Hindi na raw niya matandaan kung ano ang sinabi ni Westbrook.

“He was in my way,” dahilan ni Westbrook sa pagtulak kay Murray.

Pero ayon din kay Murray, wala siyang ginawa para mag-init ang Thunder guard.

“He tried to move me out of the way,” paliwa­nag ni Murray. “He shoved me first. It is what it is. I didn’t do anything.”

Namuno sa Thunder ang 32 points ni Paul George. Nag-deliver si Steven Adams ng 26 points, may tig-13 sina Jerami Grant at Westbrook na may 14 rebounds pa kaparehas ng ibinaba ni Adams.