Westbrook sumama sa protesta

Patuloy ang pagpapahayag ng suporta ng mga pangunahing personalidad sa sports sa lumalawak at sumisiglang protesta dahil sa pagkamatay ng isang black African-American sa nakalipas na buwan.

Nakisama na rin sa “racism” rally si NBA star Russell Westbrook na nanguna at nagsalita pa ukol sa #BlackLivesMatter.

Isinagawa din ni Westbrook ang “Put a fist up” sa ulat ng Bleacher Report. “Russ is for the PEOPLE, he’s for CHANGE!,” habang kasama ang kapwa cager na sina Demar DeRosan at Kendrick Lamar.

Maging ang 3-time MVP at 14-time All Star na naging World Series champ din na si Alex Rodriguez at asawang si Jennifer Lopez nakisali din at nagpahayag ng suporta.

“America: It’s time to listen,” pahayag sa Twitter account na @AROD and @JLo sa pagsali sa protesta sa LA.

Ang mag-asawang Steph Curry at Ayesha ay patuloy din ang pagdalo sa mga pagkilos sa Bay Area. (Lito Oredo)