Western Conference bakbakan sa 8th spot

Kasado na ang 1st to 7th spot sa playoffs ang Western Conference.

Sa huling pitong linggo ng NBA season, bakbakan ang anim na team sa 8th spot.

Kasalukuyang nasa pang-walong puwesto ang Memphis Grizzlies na may 28-30 win-loss record, halos kadikit lang din ng nasa 9th hanggang 13th spot.

Ang Portland Trail Blazers, New Orleans Pelicans, San Antonio Spurs, Sacramento Kings at Phoenix Suns ang nagdidikdikan sa huling playoff spot.

Kung sa talento lang at lalim ng roster, inaasahan ko na ang Rip City na makapasok.

Siksik sa mga clutch player ang team, nangunguna na rito ang beteranong si Carmelo Anthony, samahan mo pa ng Damian Lillard.

Hindi ito tatawaging Dame Time nang walang dahilan.
Ang Grizzlies at Blazers ang may mataas na tsansang makapalag sa nakaupo sa No. 1 spot ng Western Conference, ang Los Angeles Lakers.

Nakakabilib din ang mentality ng young guns ng Grizzlies at tila walang kinatatakutan, kahit pa si LeBron James ang makaharap.

***
Maaari nang makabalik sa hard court si Gol­den State Warriors superstar Stephen Curry.

Kahit pinahirapan nito si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers, isa ako sa nasasabik sa kanyang pagbabalik.

Bilang basketball fan, hindi maikakaila na nakaka-enjoy panoorin ang sharpshooter na si Curry.

Sa Lunes nakatakdang bumalik sa laro si Curry, at sana’y hindi na ito ma-injury muli.
***
Kung kayo po ay mayroong reaksiyon o balak itanong, mag-email lamang sa alecpaolo2016@gmail.com.

Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online.
Maraming salamat po!