Tinutugaygay na ni Philippines’ First Woman World Chess Grandmaster Janelle Mae Frayna ang daan para maging world’s top female 10 player at maging “first Male Grandmaster of the Philippines” na isang babae.

Walang imposible para sa Bicolana woodpusher, desididong maabot ang pangarap at sumasailalim sa 6-8 hours extensive training kada araw.

Sa kasalukuyan, nakikipagpigaan ng kukote ang kaga-graduate lang bilang cum laude sa Psycholo­gy sa FEU sa Wo­men’s International Open sa Erfurt, Germany na nagbukas noong Lunes, July 31.

Nagsimula ang European campaign ni WGM Frayna sa nakalipas na buwan sa Spain sa 19th Obert International Sant Marti (July 13- 21) nang lumagak siya sa 50th place mula sa 162 participants sa 5.0 points. Ang coach niyang si GM Jayson Gonzales ay 56th sa 5.0 points din.

Pagkaraan ay sumabak ang dalawa sa 43rd Open International D’Escacs Vila de Sitges (July 22-30) sa Spain din at tumapos si Frayna na 36th sa 162 kalahok sa 5.0 points, si Gonzales ay 39th (5pts).

Ang dalawang impresibong performan­ces sa katatapos na mga torneo’y nagkaloob kay Frayna ng 25 World Chess Federation (FIDE) ELO points sa combined 6 wins, 8 draws at 4 losses.

Kung maaabot niya ang 2400 mark sa rating niya sa ngayong 2235 mula sa three title norms para sa WGM, makakatanggap pa siya ng “Male IM” na magiging record din para sa kanya sa bansa.