What A Feeling gumiling sa 2-year old Group Race

horse-racing

Nanood sa pang-apat puwesto bago rumemate si second choice What A Feeling upang sikwatin ang panalo sa Two-Year-Old Group Race kahapon sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Ginabayan ni Class A rider, ipinuwesto ni Mark Alvarez si What A Feeling sa tabing balya at hinayaan nitong dalhin ni top favorite Ba­lang Araw ang bandera.

Nakatutok si Lord Va­nity kay Balang Araw at nang dikitan sila ni Princess Arianna ay umusad naman sa balya ang winning horse na si What A Felling bandang far turn.

“Maluwag kasi sa balya kaya sabi ko dito kami dadaan ni What A Feeling, sakto nagbukahan sa ikutan at dalawa na lang kami ni Balang Araw sa huling kurba kaya madali ang pagkuha namin ng unahan,” kuwento ni Alvarez.

Sa rekta, beripikadong lalampas si What A Feeling, nanalo ito ng dalawang kabayo ang agwat sa nasegundong si Chef Kat, tersero si Balang Araw.