White kahit maliit kakapit ang Phoenix

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – Columbian Dyip vs. Meralco
7 pm – Phoenix vs. Blackwater

Sinakripisyo ng Phoenix ang taas para sa bilis ngayong PBA Commissioner’s Cup.

Pinako ang sa 6-foot-10 ang height ceiling ng reinforcements ng midseason conference, nagdesisyon ang Fuel Masters na tapikin si James White na 6-7 lang.

Hindi na bago si White sa la­rong PBA dahil dati na rin siyang ipinarada ng Kia.

Tiwala si Phoenix coach Louie Alas na kahit mas maliit sa iba ang import niya ay madadaan nila ito sa bilis at depensa.

“He’s a rim protector,” ani Alas. “He’s not an explosive scorer pero magaling dumipensa.”

Masusubukan si White sa nightcap mamaya kontra beteranong si Jarrid Famous ng Blackwater sa Smart Araneta Coliseum.
Susubukan ng Elite na bumawi mula sa 126-98 loss sa Columbian Dyip sa opening day noong Linggo.

Sa larong iyon ay nagsumite si Famous ng game-high 35 points at 22 rebounds, pero inalat naman sa 11 turnovers. Sampu ang naisablay niya sa 24 na tira. (Vladi Eduarte)