“Please, go ahead with the process in line with the law in Indonesia.”
Ito umano ang tinuran ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Indonesian President Joko Widodo sa isang pulong sa Jakarta patungkol sa kaso ng Pinay drug mule na si Mary Jane Veloso, ayon mismo sa panayam ng Channel News Asia (CNA) na government channel ng Singapore kay President Widodo.
Ayon pa sa ulat ng CNA, ang paglilinaw ay ginawa ni Widodo sa panayam ng mga reporters sa North Jakarta matapos ang pagbubukas sa bagong terminal sa Tanjung Priok port nitong Martes kung saan isa ito sa dumalo.
Nauna nang naiulat sa Indonesian network na may ekslusibong recording na nagsabi si Widodo na tinuran umano ni Pangulong Duterte ang katagang “go ahead” patungkol sa implementasyon ng bitay sa Filipino death row convict na si Mary Jane Veloso.
Pero dahil ang interbyu kay Widodo ng media ay nasa lengguwaheng Bahasa Indonesia ay hindi ito maberipika, maliban na lamang kung maglalabas umano ng audio file ang Indonesian government.
Matatandaang pagdating ni PDu30 mula sa Indonesia ay hindi ito nagbigay ng impormasyon kaugnay sa kanilang naging pag-uusap ni Widodo sa kaso ni Veloso at iginiit ng Pangulo na sa pamilya Veloso lamang siya magbibigay ng detalye.
O ano naman kaya paliwanag ng mga idiotertards dyan sa paliwanag widodo….hehehe
Semandaragat. The idiot who is not ashamed of being one.
Why should i ashamed to say what is right or wrong…while you keep insisting that it is still right eventhough it is very wrong ….anyway no wonder why you are a member of the infamous idiotertards…hehehe