Halos lahat ng mga tao ay naging ermitanyo dahil sa paghaba ng buhok bunsod ng pinaiiral na enhanced community quarantine.
Pero itong opisyal ng gobyerno, hindi nagbabago ang haba ng buhok dahil pareho pa rin noong pinatupad ang ECQ nuong Marso 16.
Aminado naman ang opisyal na hindi totoo ang kanyang buhok kaya hindi na ito humahaba.
Natawa pa ito habang kinukuwento na hindi siya apektado sa pinatutupad na ban sa pagpunta sa mga barbero.
Ang classic nito, nandamay pa ng ibang tao ang opisyal nang banggitin nito ang pangalan ng isang hindi namomroblema sa kanyang buhok.
Clue. Ang opisyal na hindi humaba ang buhok sa ECQ ay may letrang R sa kanyang pangalan.