Williams, Cruz binitbit ang Katropa

Maganda ang na­ging pagbabalik ni Jeth Troy Rosario matapos magkaroon ng injury at tatlong laro ng TNT KaTropa ang kaniyang na-miss.

Nagkatsansa pa ang TNT sa playoffs pagkatapos lampasuhin ang NLEX, 101-75, kagabi sa PBA Philippine Cup eliminations sa MOA Arena sa Pasay City.

Lumaki hanggang 38 points ang lamang ng KaTropa sa kanilang sister team, 69-31, sa third quarter dahil sa pana­nalasa ng bagong salta pero beteranong si ­Jericho Cruz na tumapos ng 17 points.

Gabay rin ng winning team ang beteranong si Kelly ­Williams na kumontak ng ­double-double ­figures na 17 points, 16 ­rebounds, kalakip pa ang three steals.

Ito ang unang beses na nakaabot ng hanggang 100 points ang TNT ngayong confe­rence at ipinakita lamang na gusto nilang makapasok sa quarterfinals.

“We needed a win to give ourselves a chance at the playoffs and the only thing we have control over is this game, so kailangang manalo,” dada ni Raoul Cesar ‘Nash’ Racela.

“Hopefully, after things have cleared, we’d find out and we’d still be playing.”

Nakalaro na rin sa Gilas Pilipinas kontra sa Japan, naging maganda ang balik-team ni Rosario sa kontribyut na 14 points sa 20 minutes na nilaro para sa 5-6 panalo-talo na tapos ng kanyang kampo sa eliminasyon.

Nalagak sa 6-5 ang rekord ng Road Warriors, pero swak na sila sa next phase.

Nanguna sa mga kampon ni coach Yeng Guiao si JR Quiñahan na may 20 points at se­ven rebounds. Naka-14 points naman si Kevin Alas.

Ang iskor:
Unang laro:
TNT KaTropa 101 — Cruz 17, Williams 17, Rosario 14, Pogoy 13, Castro 10, Tamsi 7, Garcia 6, Paredes 5, Semerad 3, Reyes 3, Tautuaa 2, Carey 2, Torres 2, Golla 0, Nuyles 0.

NLEX 75 — Quiñahan 20, Alas 14, Al-Hussaini 10, Mallari 5, Monfort 5, Miranda 5, Soyud 4, Tiongson 3, Ighalo 3, Fonacier 3, Taulava 2, Ravena 1, Baguio 0, Uyloan 0.
Quarters: 27-16, 58-28, 80-50, 101-75. (Christian Cortez)