Willie, Ariella magdyowa?

Nilinaw ng beauty queen at aktres na si Ariella Arida sa “Tonight With Boy Abunda” na wala silang relasyon ng host na si Willie Revillame.

Matatandaan na naging co-host siya sa show ni Will at madalas silang tinutukso sa isa’t isa. Lalo na at kapwa sila single kaya mas lalong kinagigiliwan ng mga netizen na asarin sila.

Ayon sa beauty queen, mataas ang respeto niya sa host kaya’t hindi niya direktang sinagot kung may tiyansa ba ito sa kanya.

Paliwanag niya, “Tito Boy, alam naman ni Kuya Will. In fairness, mataas ‘yung respeto ko kay Kuya Will. Ang tagal ko ring nag-work with him and I can attest Tito Boy na never ko naman na feel na, alam mo ‘yun!”

Hindi rin umano sila umabot sa ligawan stage kaya’t mariin niyang nililinaw na wala talagang relasyon na namagitan sa kanila.

Sey niya pa, “Wala po. Kaya I’m super, ang taas nu’ng respeto ko kasi kung ako may ma-feel ako na something na parang against my paniniwala sa buhay, hindi ako magtatagal ng ganu’n. We’re still in good connection, good friends.”

Ikinuwento rin niya kung gaano ka-prangka si Will sa pagsasabing hindi siya ang type nito.