Willie, Bong Go ninong sa kasal nina Rodjun-Dianne

Parehong nalalapit na ang kasal nina Joyce Ching at Rodjun Cruz sa kani-kanilang fiancé/fiancée. Magkasama sila ngayon sa bagong serye na “One of the Baes” topbilled by Ken Chan and Rita Daniela.

Kaya sa presscon kahapon, biro nila pareho, kaya raw nila tinangggap ang soap ay dahil nag-iipon sila.

Sey naman ni Rodjun, nang dumating ang serye, sey niya raw kay Lord, “Lord, ang bilis, ah, thank you very much Lord, ah.”

Si Joyce ay ikakasal sa kanyang non-showbiz fiancé na si Kevin Alimon at ibinahagi na niya ang date na sa Dec. 8 daw gaganapin ang garden/Christian wedding.

Karamihan sa mga ninong at ninang niya ay mga executives ng GMA-7 at ang direktor na si Gina Alajar, na aniya ay nanay-nanayan din daw niya.

After the marriage ay wala naman daw siyang balak tumigil sa showbiz at tuloy-tuloy pa rin daw ang kanyang pag-aartista.

“Actually, kaka-sign ko lang ng contract with the network nu’ng Feb. So, tuloy-tuloy naman,” sey ni Joyce.

Si Rodjun naman ay ibinahagi na sa Dec. 21 na ang kasal nila ng fiancée na si Dianne Medina.

“Ilang buwan na lang, sobrang excited ako siyempre,” aniya.

It would be a church wedding daw at Manila Cathedral at sa Sofitel Hotel daw ang reception.

“So, sobrang excited talaga ako sa araw na ‘yun and alam ko na magiging emotional ‘yun dahil siyempre, ang tagal na rin namin ni Dianne, tapos, andu’n lahat ang mga tao na importante,” sey pa ni Rodjun.

Kasama raw sa entourage sina Alden Richards, Kristoffer Martin, at ang best men daw niya ay ang dalawa niyang kapatid na sina Rayver Cruz and Omar Cruz. Ilan sa mga nabanggit niyang ninong ay sina Senator Bong Go, Willie Revillame.

Of course, malungkot daw siya na wala na ang mommy niya to witness this special event dahil sobrang excited din daw ang ina niya sa kasal nila ni Dianne.

“Pero alam ko na, nasa heaven siya na proud siya sa akin at kasama ko siya sa araw na ‘yun,” aniya pa.

Ni Vinia Vivar