NI: ROLDAN CASTRO

Balitang binalikan ni Willie Revillame nu’ng Sabado ang Puerto Galera para magbigay ng tulong sa mga Mangyan.

Pero hindi na sila nakapag-bonding ng kanyang kaibigan na si Kris Aquino dahil umuwi rin siya agad .

Matatandaang nasa Puerto Galera rin si Kris at ang kanyang mga anak dahil pinasundo sila ni Willie sa Boracay nu’ng lockdown.

Pero kailangang tumulong si Willie sa mga kababayan natin kaya inayos niya ang kanyang show na “Tutok To Win” para sa quarantine. Lumuiwas siya ng Maynila para mapalawak ang pag-ayuda niya sa mga netizen

Actually, keri magbakasyon ng tv host, mag-relax sa kanyang beach resort matulog at kumain pero hindi siya kampante na nandoon habang marami ang kinakapos.

Tatak na niya ang pagiging generous kaya hindi niya matiis ang mga nangangailangan na nganga .