tonite-imo-vinia-vivar
Sa part 2 ng Life Update ni Kris Aquino ay sinabi niyang marami pa raw siyang out of the country trips na gagawin dahil in-invite raw siya ng mga brand partner niya na pumunta sa mga actual factory sa ibang bansa.

At sobrang na-excite raw siya na ipinagdadasal niyang matuloy ay ‘yung isa raw na ang factory ay nasa South Korea. Gusto raw niya kasing magpunta sa Big Hit Entertainment na talent management ng idol niyang South Korean boy group na BTS.

“Pupunta ako du’n sa ano, management office, papa-picture lang ako ng BTS. Gusto ko lang makapunta sa Big Hit, wala lang. Tapos, baka makita nila (BTS) ako, ‘hi’,” humahagigik na sabi ni Kris.
Pero sey ni Kris, bago ito mangyari, kailangan muna niyang magpagaling talaga.

“Kailangang maging healthy pa ako kasi ‘yung iba, sosyal, nasa Europe ang factory,” sambit pa niya.

Tungkol sa kanyang lovelife, tanggap ni Kris na dahil nga sa kanyang health condition ngayon, mahihirapan na siya talagang makakuha ng boyfriend dahil magiging burden lang daw siya sa guy dahil nga parang alagain na siya nga­yon.

“Ayokong maging pabigat. I live each day as it comes right now and I’m super, talagang grateful for every additional day,” aniya.

Aminado rin siyang nami-miss niya ang TV pero again, dahil nga nanganga­ilangan ito ng long hours, hindi rin niya ito makakayang ibigay.

Ang tanging makakapag-convince lang daw sa kanya na magbalik sa TV ay dalawang tao lang at ito ay sina Jessica Soho at Wille Revillame dahil gusto raw niyang makatrabaho ang mga ito.

“Kung magkaro’n man (ng offer na makasama ang dalawa), anytime in the future, and if it’s just once a week, I’d grab it, magmamakaawa ako sa doktor ko sa Singapore, ‘yung health certification, pirmahan niya,” sey ni Kris.

Hanna walang inggit factor

Nilinaw ni Hanna Francisco na wala raw inggitan sa kanila ng mga kapwa baguhang contract stars ng T-Rex Artists (official talent ma­nagement arm ng T-Rex Entertainment) na sina Shara Dizon, Lara Fortuna, Aga Arceo and Renshi de Guzman.

Kasama silang lima sa pelikulang Class of 2018 ng T-Rex Entertainment at ayon nga kay Hanna, bagama’t magkakasama sila ngayon sa movie ay may mga individual career daw sila.

Kaya naman hindi maiwasang hindi sila magkapare-pareho ng project at may time rin na hindi sila sabay-sabay na maika-cast sa isang proyekto.

Tulad nga ni Hanna, katatapos lamang nila si Shara ng Billie and Emma na entry sa Quezon City Film Festival at hindi naman daw nila kasama ang tatlo pang T-Rex artists.

The same way na may proyekto rin ang iba na hindi siya kasama.

Pero anuman daw ang dumating na proyekto para sa isa ay masaya sila at hindi sila nag-iingitan.

“Supportive po kami sa isa’t isa, kung ano po ang ibigay na project, nagsusuportahan po kami,” ani Hanna.

First movie ng newbie actress ang Class of 2018 kung saan ay kasama rin nila ang mga Goin’ Bulilit graduates na sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, Kristel Fulgar, CJ Navato and Kiray Celis.

Bago napasok sa pag-aartista ay beauty pageant winner si Hanna at nagmo-model din.

Ang goal daw niya ay maging magaling na kontra­bida. Okay lang daw siyem­pre kung gagawin siyang bida pero ang gusto raw niya talagang gawin ay mga offbeat role. Idol niya noon si Julia Montes na nagkontrabida sa Mara Clara pero ngayon ay bida na.