Maraming senyales na mukhang tuloy na ang pagpasok sa politika ni Willie Revillame. Matunog ang tsismis na makakalaban niya ang Vice Mayor ng QC na si Joy Belmonte. Posible rin daw tumakbo si Cong. Bingbong Crisologo.

Bakit daw palagi ang bati ngayon ni Ted Failon kay Wil? May kinalaman kaya ito sa pagpasok niya sa politika?

Ngayon pa lang ay magulo na ang politics sa QC. May alingasngas na ang magka- tandem ay si Cong. Bingbong at si Cong. Winston ‘Winnie’ Castelo. Si Konsehal Gian Sotto (anak ni Sen. Tito Sotto) diumano ang magi­ging Vice ni VM Joy.

Pero mukhang magkaalyado naman sina Willie at Cong. Winnie. Kamaka­ailan, ginamit ang helicopter ng ‘Wowowin’ host. Isinama ni Willie si Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo patungo sa Payatas. Naghanap sila ng lupa para sa plano niyang pabahay sa mga mahihirap. Sakop ni Castelo ang nasabing lugar.

Pagkatapos nito, lumipad ang dalawa patungong Tagaytay kung saan ipinasyal ni Revillame sa kanyang hotel at bahay. Ano kaya ang pinag-usapan ng dalawa? Ano kaya ang plano nila?

Sa totoo lang, kinatatakutan na si Willie ng mga politicians ng Quezon City. Malaki ang laban niya kung tatakbo siyang alkalde dahil kilala siyang matulungin sa mahihirap. Kuha rin niya ang mga lolo’t lola, nanay at tatay. Puwede ring sabihin ng mga parents ng millennials na si Willie ang iboto nila,huh!

Balitang marami ang kumukumbinsi kay Willie para kumandidatong Mayor ng Quezon City. Nagdadala­wang isip daw ang tv host kung tatakbo siya o hindi. Humihingi na raw ito ng advise sa mga kaibigan niyang politician. Hintayin na lang natin ang desisyon at kapalaran ni Willie lalo’t malakas siya sa survey sa QC kahit wala pa siyang deklarasyon.

Tsuk!

Direktor nina Joross at EA magdyowa

Nagtawanan sa presscon ng tatlong pelikulang sinusuporta­han ni Atty. Joji Alonso sa Cine Filipino Film Festival dahil sa rebelasyon na walong taon nang mag-dyowa ang director nina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa.Tinanong kasi namin kung sino sa kanilang dalawa ang peg ng mag-asawang direk Perci Intalan at direk Jun Lana.

Si Joross ang bida sa pelikulang Mga Mister ni Rosario ni direk Alpha (Allan Habon) at si Edgar Allan Guzman naman sa pelikulang ‘Mata Tapang’ ni Direk Rod Marmol.

Reaction ni direk Perci sa Instagram account ng talent manager na si Noel Ferrer; @percinotpercy, “Hahahahaha @roldanfcastro@iamnoelferrer wag na nating­ idamay ang mga bata! Hahaha! Wishing them all the best. Looking forward to seeing their films! Go #CineFilipino!”

Yes magkalaban ang pelikula ng magdyowang director sa Cine Filipino. Nagtawanan ulit nang sabihin namin na hindi kaya maghiwalay ang dalawa kung isa sa kanila ang manalo ng award?

Mariin nilang pakli na nagsusuportahan sila sa mga proyekto nila. Ganyan din sina Joross at EA na magkalaban din ang kanilang mga pelikula pagkatapos ang Metro Manila Film Festival 2017 movie nila na ‘Deadma Walking’.

Anyway, nabuking nina Joross at EA na magdyowa sina direk Alpha at direk Rod dahil nagdadalawan ang mga ito sa shooting.

Samantala, ang isa pang sinuportahan ni Atty. Joji ay ang pelikulang Delia & Sammy na official entry din sa Cine Filipino Filmfest. Ito’y comeback movie ni Rosemarie Gil katambal si Jaime Fabregas . Supporting naman dito si Nico Antonio.Isa itong family drama na nadawit si Nico sa kanilang problema nu’ng aksidente siyang maisama sa Baguio.

Ang Cine Filipino ay magsisimula sa May 9 hanggang May 15.

Talbog!

Lea Macapagal Dyosa ng Luntian sa Miss Philippines Earth 2018

Kaakit-akit ng pambato ng Dinalupihan Bataan na si Lea Macapagal. Siya ang Dyosa ng Luntian sa Miss Philippines Earth 2018 .

Si Lea ay 20 years old , Customs Administration Student, may taas na 5 feet 5 inches. Ang vital statistics niya ay 34 – 24 – 36 Type raw niyang maging Miss Philippines Earth 2018 dahil gusto niyang palawigin ang kanyang advocacy para ma-uplift ang current scenario ng environment.

Ano ba ang environmental advocacy niya?

“No Segregation, No Collection Policy in collecting waste and the re-invention of ‘Bayong Usage’ instead of plastics bags to reduce the accumulation of plastic usage,” pakli niya.
Ang coronation night ng Miss Philippines Earth ay sa May 19, 6PM sa Mall of Asia Arena.