Willie mamimigay ng bahay, lupa

NI: RONA RONDA

Mapalad ang dalawang grand winners ng house and lot na nanalo sa ika-5 anibersaryo ng kanyang show. Tuloy pa rin ang pamamahagi niya ng bonggang papremyo sa kabila ng ipinatupad na lockdown.

Ani Willie sa nauna niyang announcement bago mag-ECQ, gaganapin sana ito sa Araneta Coliseum. Pero may pagsubok na dumating kaya sa live show na lang niya ngayon gagawin.

“Kasi may dalawang bahay ako e na ipinagkaloob ni Ma’am Cynthia Villar. Regalo yun sa akin para ipamigay sa anniversary o sa birthday ko. Naisipan ko po na siguro ito ang time na ibigay natin dahil anniversary,” ani comedian host.