Willy Santos, pioneer skateboarder ng ‘Pinas

Filipino-American na tubong Subic Bay, Olongapo City ang professional skateboarder na si Willy Manaloto Santos. Isa siya sa mga pioneer ng skateboarding sa Pilipinas at sumikat bilang skateboarder sa Amerika.

Sa mga panayam sa kanya, nagsimula ang hilig ni Santos sa skateboarding noong 10 o 11-anyos pa lamang siya.

Sa isang artikulo na lumabas sa website ng Asian Journal, may 20 taon nang successful professional skateboarder ang ngayo’y 40-anyos nang si Santos.

Tinawag siya ng Trasher Magazine na “one of the best skaters during the dark early 90s” dahil sa kanyang mga bagong tricks at “illustrious style and grace”.

Na-feature na rin siya ng HBO para sa “East of Main Street Program” nito kung saan tampok din sina Apl.de.ap ng Black Eyed Peas at chief Anita Lo bilang bahagi ng pagdiriwang ng Asian-Ameri­can and Pacific Islander month.

Base pa rin sa nasabing artikulo, kinilala ang husay ni Santos sa skateboarding nang hirangin
bilang Skater of the Year 1992 ng Trans­World Skateboarding, naging 3rd place sa inaugural X-Games Street Contest sa Rhode Island, nagwagi sa Munster World Cup Street Contest sa Germany noong 1997, New Jersey Vans Triple Crown Street Contest noong 1998 at sa Gravity Games Best Trick Street noong 2000.

Kabilang din si Santos sa mga skaters na pinili ng legendary skateboarder na si Tony Hawk para maging miyembro ng kanyang skateboarding team na Birdhouse Project.

Jake Cuenca, actorat sports buff din

Bukod sa acting, mahilig din sa iba’t ibang klase ng sports si Jake Cuenca at kabilang dito ang skateboarding.

skateboarding-gangsterDaniel Padilla, skateboard lover

Estudyanteng pumapasok ng eskwelahan na naka-skateboard ang young actor na si Daniel Padilla sa pelikulang “She’s Dating the Gangster” kasama ang kanyang loveteam na si Kathryn Bernardo.