Nakipagsabwatan sina Erica Wilson at Ana Artemeva kay Rachel Ann Daquis upang sumalo sa No.3 spot sa team standings ang Cignal matapos pagpagin ang PLDT Home Fibr, 25-16, 25-23, 17-25, 25-18, Martes ng gabi sa 7th Philippine Superliga 2019 Grand Prix women’s vollleyball 2nd round elims sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Nagpakitang gilas si veteran Daquis upang ilista ang 7-6 record ng HD Spikers at saluhan ang biktima sa pangatlong puwesto sa season-opening conference ng women’s volleyball intercub.

Poste si Daquis ng 10 attacks, 7 digs at 4 blocks sa event na mga suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

May rehistro si American import Erica Wilson na 27 points kasama ang 22 kills, 4 service aces at block upang pamunuan ang opensa ng HD Spikers habang kumana si Ana Artemeva ng 17 spikes, 3 blocks at service ace.
Tumikada para sa Power Hitters si Kendra Dahlke na may 20 markers. Bakasan sina Grace Lazard at Grethcel Soltones ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Una rito, kinarga rin nina Stephanie Niemer, Mika Reyes at Katherine Bell sa ika-12 ragasa sa gayun daming salang ang defending champion Petron para muling makaldag ang Generika-Ayala, 25-23, 25-13, 25-21.

Humambalos si Niemer ng 19 pts., ayuda si Reyes ng 14 at kumalembang ng 12 si Bell para sa Blaze Spikers na hinaltak pabulusok ang Lifesavers sa 4-8, tama para sa ikaanim na puwesto.(Elech Dawa)