Wilson bida sa San Juan; Jamon naman sa Pasay

Wilson bida sa San Juan; Jamon naman sa Pasay

Pumukol ng combined 27 points sina Jan Niccolo Jamon at Ronnel Jay Lastimosa para punitin ng Pasay Voyagers ang Imus Bandera, 82-65, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup elims Huwebes ng gabi sa San Andres Sports Center sa Malate, Manila.

Hinabol ng PV ang dalawang beses na pagkaiwan sa tatlong puntos, 3-0 at 5-2, at kumalas sa 13-all deadlock sa bukana pa lang ng first quarter patapos sa 20-13 edge, tungo sa 40-29 lead sa halftime, at biggest advantage sa game sa rolyo ng third period, 63-43.

May 15 markers si Jamon sa likod ng 2-of-3 sa 3-point fieldgoal at 3 rebounds off-the-bench, samantalang nanalanta ang starter na si Lastimosa ng 12 puntos, 3 boards at 4 assists para makabawi sa 72-74 loss ang Voyagers kontra defending champion San Juan sa nagdaang Biyernes, Hunyo.

Naakbayan pa ng Travel Capital sa 3-1 record ang idle Bulacan Kuyas at tinulak pailalim ang Imus sa 1-2.

Tumaga naman si John Wilson ng 25 pts. nang tagpasin ng Knights (3-0) ang Rizal (1-2).