Petmalu sa magkabilaan ng court si Judith Abil para maangklahan ang University of the East Lady Warriors sa unang panalo sa tatlong salang sa UAAP season 81 women’s indoor volleyball tournament elims, tinagpas ang Adamson University Lady Falcons, 20-25, 28-26, 25-23, 25-22. Miyerkoles nang gabi sa The Arena, San Juan.

Tinapos ni Abil ang 22 points lahat sa kills sa patatagang depensa at pala­kasang palong showdown niya at Kath Arado laban kina Thang Ponce at Bern Flora ng Adamson.

Hindi naman inalintana ni Me-anne Mendrez ang kanyang shoulder injury iniindang shoulder injury, umek­sena ng ilang crucial hits.

Hinirang bilang Best Player of the Game si Abil na may 21 excellent receptions at 20 digs pa samantalang nagtala naman sina Mendrez at Zilfa Olarve ng tig-14 points para sa 1-2 win-loss record ng Recto-based volleybelles.

Bakasan pa para sa Lady Warriors si Seth Rodriguez ng 12 points markers habang si ace libero Arado solidong may 39 digs at 28 receptions sa pagsalya sa mga balibolista ng San Marcelino sa 0-3.

“Malaking bagay ito sa amin,” ani UE coach, Karl Dimaculangan. “Reward na nila ito sa sarili nila, na nakakuha na kami ng panalo.”

Hinirit niyang maganda ring puhunan ito para sa mabigat nilang oposisyon sa Linggo, Marso 3 na Ateneo de Manila University Lady Eagles sa Araneta Coliseum.