STANDINGS
TEAMS       W L
Meralco     2 0
Mahindra       1 0
NLEX            1 0
San Miguel   1 0
Ginebra         1 0
GlobalPort     0 1
Star                0 1
Blackwater    0 1
Alaska 0 1
Phoenix         0 2
Rain or Shine x x
Tropang TNT x x

Games sa Myerkules: (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — GlobalPort vs. Mahindra
7:00 p.m. — Tropang TNT vs. Rain or Shine

Naka-recover sa low start ang Meralco, naghabol sa 7-0, sa first at 32-22, down sa se­cond quarter, sa pagsa­bog ng boltahe sa second half para maiga ang Alaska via 100-96, come-from-behind win at masukol ang second straight victory pati ang solo lead kagabi sa Oppo-PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ungos si Allen Durham sa kanilang import match-up kay LaDontae Henton sa tinipa ng balik-import na 36 points at 15 rebounds kum­para sa 33 at 12 ng newco­mer para masundan ng winning squad ang 108-103, decision sa Phoenix noong Sabado.

Last 3:44 na nang pumoste ang Bolts ng 12-pt. biggest lead, 92-80, pero nagbanta pa ang Aces sa 94-96, sa final 56 seconds saka nakasingasing ang una na napiga ang huling angas para muling ma­kabangas.

“It’s a good thing were able to survive this weekend I’m a bit worried about back-to-back games because Alaska’s been resting. We fumbled a bit there in the end,” wika ni Bolts coach Norman Black.

“We didn’t use our timeouts correctly and gave them an opportunity to come back.”

Nagsitagay naman sina two-time Best Import AZ Reid ng twin-twin jobs na 41 points at 10 rebounds at two-time MVP June Mar Fajardo na naka-21 at 11 para galamayin ang positibong simula ng San Miguel Beer sa title defense campaign sa bisa nang 124-113, paglango sa Phoenix.