Natagpuan ng Batang Gilas ang pinakaastig na oposisyon sa pamamagitan ng Malaysia, pero kagaya sa nakalipas na tatlo sa loob ng apat na araw parehas pa ring resulta ang naikampay ng una sa pagpapaplakda sa huli 83-62 at tangayin ang titulo sa wakas kahapon ng 4th SEABA Boy’s Under-16 Championship sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Ginalamay nina Kai Zachary Sotto at John Bismarck Lina ang home team sa pagpiga sa Malaysians sa mga binutas na double-double para sa fourth straight win at fourth consecutive sweep sa torneo.
Umararo si Sotto ng 15 points at 12 rebounds habang humila si Lina ng 13 markers at 10 boards sa paglayo ng mga Filipinos hanggang 25-point maski nakadikit sa pito hanggang third quarter ang visiting squad.
Si Rence Keith Sean Padrigao ang namuno sa 24-6 blitz ng mga Pinoy upang makalayo sa 77-52 hanggang sa gitna ng fourth mula sa third period na seven points lead lang sa Malays, na pinamunuan ni Yi Kang Teoh ng 19 pts.
Alam ni Michael Oliver na mahirap na katapat ang Malaysians na patungo sa laban ay walang talo sa five-nation, five-day hoopfest.
“In-expect na naman natin yun kasi 3-0 rin sila. Alam naman nating maglalaro sila ng best nila,” sabi ng national coach. “Ginamit nila yung advantage nila na speed sa atin so ginamit natin yung advantage natin na height.”
Umabante ang top two sa 5th FIBA Asia U16 Championship sa taong ito na ihahayag pa ang petsa’t lugar sa mga susunod araw ng International Basketball Federation.
Nasakote ng Thailand ang bronze medal sa 75-58 demolisyon sa Singapore.
Iskor:
PHILIPPINES 83 – Fortea 15, Calimag 15, Sotto 15, Lina 13, Cortez 13, Guadana 6, Padrigao 5, Pascual 1, Go 0, Lazaro 0.
MALAYSIA 62 – Teoh YK 19, Tang 8, Wong 8, Yap 8, Tan E 7, Khor 5, S. Chandaran 4, Tan C 3, Lee 0, Chin 0.
Quarters: 22-15, 43-36, 65-52, 83-62.