Diretso sa susunod na phase ang CEU habang kinumpleto ng Flying V ang elimination sweep kahapon sa  PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Naglista si Jeron Teng ng triple-double na 24 points, 11 rebounds at 10 assists para pamunuan ang Thunder sa 116-101 panalo laban sa Batangas at ilista ang 10-0 record sa pagtatapos ng elimination round.

Si Thomas Torres ang namuno sa opensa ng Flying V sa nirehistrong 26.

Nagtala si Robby ­Celiz ng 15 points para sa Batangas (6-4).

Swak sa quarterfinals ang CEU matapos kalusin ang Racal 88-77.

Sinelyuhan ni JK ­Casino ang panalo sa isinalpak na 3 sa home stretch tungo sa 6-4 karta ng CEU at biguin ang asam ng Wangs Basketball, (5-5) na humabol sa quarters.

May tsansa ang Wangs na makapasok kung ­natalo ang CEU sa Racal.

Bumira si Rod Ebon­do ng 22 points at 19 rebounds may 12 at  11 points sina Art Aquino at Casino para sa CEU.

Semplang sa 3-7 ang Racal.

“I’m very thankful sa players, they followed our game plan ng maayos offense and defense,” ani CEU coach Yong Garcia.