Wind, solar power ang kailangan ng ‘Pinas

Kinakailangang mamuhanan ng Pilipinas sa mas malinis na mga energy source para mapai­lawan ang halos tatlong milyong tirahan ng mga Pinoy partikular na sa mga isolated na lugar na hindi pa rin nabibiyayaan ng kuryente.

Ito ang binigyang-diin ni House Committee on Energy chairman at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

“With the recent signing of the Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS) law by President Rodrigo Duterte which streamlines the permitting process of power generation, transmission and distribution of power pro­jects, the government must push for the development of more environment-friendly and sustainable sour­ces like solar and wind power,” paghahayag ni Velasco.

Sa pamamagitan ng EVOSS law ay inaasa­hang mas mara­ming investment ang papasok sa bansa mapa-foreign man o local.

“As our population grows, it’s not only important to tap new sources of energy to meet the demand. We should also make it a priority to harness renewable sources of energy that are clean and cheap,” dagdag ni Velasco.

Tumaas aniya ng apat na porsiyento ang konsumo ng kur­yente sa Luzon, Visayas at Mindanao sa 94,370 gigawatt hours (GWh) noong 2017 kumpara noong 2016. (Aries Cano)