MAHABA ang pahayag ni Winwyn Marquez sa Instagram tungkol sa titulong napanalunan niya sa nakaraang Ms. World Philippines 2017.
Siya ang kauna-unahang title-holder ng Reina HispanoAmericana Filipinas kung saan lalaban siya sa Bolivia sa November para sa naturang international beauty pageant.
Hindi pa tayo familiar sa titulong ito kaya may ilang natatawa at tila minaliit itong napanalunan ni Winwyn.
Pahayag ni Winwyn sa IG, “I wish I had a better photo of my crowning moment but I’ll settle for this one.
“This moment was so surreal… hindi ko ma-explain nararamdaman ko. The only thing that was on my mind was, ‘Is this really happening?’
“I may not have won the top crown but I am still very very happy with my title.
“I know I was placed here for a reason. 🙂 though alam ko mahirap ang sasalihan ko and I only have a little time to prepare kakayanin pa rin!”
Nagpasalamat si Winwyn sa mga sumuporta sa kanya, maging sa mga kapwa kandidata.
“Thank you… my Miss World sisters for making my journey so memorable sobrang mahal ko kayo, girls tanggap ko na, na ako na nga talaga ate ni’yo.
“My loved ones (Mark, my siblings and my friends) who always pushed me to follow my dreams and to never give up and of course to my parents, you two made me who I am today… you guys kept me grounded.
“They don’t know how much you sacrificed for us and this is one way I can say thank you sa inyo.
“My Diploma, Teaching Certificate and now my Crown is for you mama and daddy. ♥ Para sa mga pinagdaanan niyo and para sa pagpapalaki saamin ng maayos.
“Also, please do not belittle the title just because you don’t know anything about it or dahil ngayon n’yo lang narinig and nagqu-question, bakit tayo kasali etc…
“Please try do a little research and try to be open-minded bago mag-criticize ng sobra. ♥
“I am so honored to be the first ever Filipina to join this pageant and I’ll be ‘Miss Philippines’ in Bolivia and doon pa lang, winner na ako. ♥
“Instead of questioning everything, magtulungan na lang tayo para makita ng lahat na BUO ang supporta ng mga Pinoy.”
Isa kami sa sumusuporta sa darating na laban ni Winwyn.
Sana, siya rin ang kauna-unahang Pinay na makuha ang titulong ito sa Bolivia.