Umiskor si rookie Trae Young ng 32, huli ang last-second, go-ahead floater na naghatid sa Atlanta Hawks sa panilat na 129-127 panalo kontra Philadelphia 76ers Sabado ng gabi sa 73rd NBA 2018-19 elims game.

May 3.5 seconds na lang sa laro, kinuha ni Young ang inbound mula kay Kevin Huerter at inatake si Jimmy Butler bago pinakawalan ang short jumper malapit sa free throw line.

Sinupot ng net ang bola 0.1 second sa orasan, at natapos ang six-game winning streak ng Sixers.

“Those are the type of plays you live for, with the clock counting down,” wika ni Young. “I just wanted to get to my strong suit and get to my pull-up, that mid-range floater I have.”

Tulala si 76ers center Joel Embiid sa game-winner ni Young. Nakapag-shower na at nakabihis ang mga kakampi nakaupo pa rin si Embiid sa harap ng kanyang locker, hindi pa naghubad ng uniform. Nakatingin lang siya sa final stats.

Solido pa rin ang kapit ng Philadelphia (47-26) sa third place ng Eastern Conference, sa likod ng Milwaukee (54-19) at Toronto (51-22).

Nilista ni Embiid ang 16th straight double-double at 54th ngayong season na 27 points at 12 rebounds. May 25 points si Butler.

Free throws ni Butler ang nagbigay sa Sixers ng 127-125 lead bago itinabla ng layup ni Taurean Prince. May naiwang 3.5 seconds sa Atlanta nang matawagan ng 24-second violation ang Sixers. (VE)