BABU na si Ribay (karakter ni Winwyn Marquez) sa GMA telefantasya na Mulawin vs Ravena.

Ito ay para maka-concentrate ang dalaga sa Miss World-Philippines coronation sa September.

Post ni Winwyn sa Instagram, “Paalam, Ribay ♥ Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng MVR! Mami-miss ko po ka­yong lahat..:)

“Mga Mulawin at mga Ravena, magkikita pa tayo uli and I’ll try my best to soar high!

“Lumipad kayo pa­puntang MOA Arena, ah!”

Dagdag-ganda points para kay Winwyn na umarangkada siya sa Beach Beauty competition.

Pasok sa banga!

***

Overwhelmed at speechless ang commercial-model-turned actor na si Matthias Rhoads nang malamang magi­ging parte siya ng primetime series na Super Ma’am at makakatambal si Marian Rivera.

Very thankful siya sa opportunity na ito to be working with someone na very experienced and talented sa industriya.

Bilang paghahanda, nagdaan si Matthias sa ilang workshops kung saan ang isang mentor ay ang New York-based acting coach na si Anthony Bova.

Isang foreigner na archaeologist ang role ni Matthias sa Super Ma’am.