Winwyn aprub na manligaw sa iba si Mark

Para kay Winwyn Marquez, mutual ang naging decision nilang maghiwalay ng boyfriend niyang si Mark Herras.

Nilinaw din niya na hindi cool off ito at isang bagay na pinag-usapan nila para lang magkaroon ng ingay ang kanyang pelikulang “Time and Again.”

Bagama’t ­nalungkot, hindi raw naman siya na-depress dahil nakapokus ang kanyang atensyon sa trabaho.

Hirit pa niya, payag din daw siyang manligaw ang dating dyowa sa iba pagkatapos ng break-up nila.

“Kung ano ang gusto niya. Hindi ko naman siya madidiktahan. If he thinks that he’s willing to fall in love with other girls, it’s his decision,” aniya.

Gayunpaman, kahit hiwalay na, nananatili pa rin daw silang close friends.

Katunayan, hindi raw siya nagsasalita nang tapos na over na ang kabanata ni Mark sa buhay niya.

Sa ngayon, mas gustong magpokus ni Winwyn sa kanyang bumobonggang career.

“We’re doing our own thing na. We’re focusing on our own thing. He has his own thing. I have my own thing,” sambit pa niya.

Anyway, balik sa pagbibida si Winwyn sa kanyang biggest break na “Time and Again” na kapareha ang Kapa­milya hunk actor na si Enzo Pineda. Ito ay sa direksyon ni Jose Javier Reyes. Palabas na ito sa Pebrero 20.