Winwyn inayawan si Rocco

Hindi na kasama sa cast ng “Pamilya Roces”, ang bagong Kapuso teleserye na idinidirehe ni Joel Lamangan, ang actress turned beauty queen na si Winwyn Marquez.

Hindi raw nito kinaya ang love scene nila ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa kotse.

Ayaw naman ng aktres tukuyin kung pinagbabawalan siya ng boyfriend niyang si Mark Herras na gawin ang nasabing eksena.

Pinalitan si Winwyn ng dating “Artista Academy” finalist at ALV talent na si Sophie Albert.

Ang “Pamilya Roces” ay isang family comedy-drama tungkol sa isang padre de pamilyang may tatlong asawa.

Nasa cast nito sina Carla ­Abellana, Gabbi Garcia at Jasmine Curtis Smith.

Sa mga senior star naman ay kasama sina Roi Vinzon, Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa at Snooky Serna.

Ito ang papalit sa timeslot na mababakante ng kiligseryeng “Inday Will Always Love You” sa GMA-7 na magsisimula sa Oktubre 8.