Winwyn malayang bumukadkad

Humupa na ang isyu sa break-up nina Mark Herras at Winwyn Marquez. Tila hindi man lang napingasan ang aktres sa naudlot na pag-ibig.

Mas lalo pang umangas ang dating ng ka­seksihan at kagadahan nito nang kumalas siya sa kapwa Kapuso star.

Hindi namin sinasabing negative effect si Mark kay Winwyn dahil noong magkasintahan pa ang dalawa ay nagkaroon ng kumpiyansa sa sarili ang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Kaya nga nakuha nito ang korona ng Reina Hispanoamericana noong 2017.
Naging inspirasyon din naman ni Winwyn si Mark. Talaga namang sumuporta ang aktor sa karera ng kasintahan.

Pero kakaiba ang angas ng ganda at kaseksihan ngayon ni Winwyn.
Malaya siya ngayong bumukadkad!

Nag-aapoy ang kanyang karisma. May kakaibang anghang ang kanyang alindog na hindi maipaliwanag ng mga fan nito.

Mas lumandi, humarot at mas naging makatas ang ka­seksihan niya.

Namumulaklak ang aura ni Winwyn sa kanyang mga bikini sexy shot na masisi­lip sa kanyang Instagram.

Marahil, mas nagkaroon si Winwyn ng kala­yaang i-express ang sarili niyang sensuality nang walang iniintinding selos mula sa kanyang dyowa. (Rey Pumaloy)