ANG daming natuwa nang i-announce ni Winwyn Marquez sa social media na isa na siya sa official candidates ng Miss World Philippines 2017.

Ang daming nag-good luck at nag-congratulate sa kanya, kaya ang sabi niya sa Instagram post niya kahapon, “Salamat po sa lahat na nag-comment, nag-like, tumawag and nag-text.

“Sobrang overwhelming po ‘yung pagtanggap n’yo ng balita na sasali ako uli. Sana hanggang coronation night ganito. Haha!

“I will definitely enjoy this journey and isasama ko pa lahat ng sumusuporta sa akin sa journey na ‘yun…

“Let’s hope for the best! Laban lang and ie-enjoy ko lahat ng moment.”

Cute ‘yung sariling pa-hashtag ni Winwyn na #WynTheWorld at saka #WynTheCrown.

Nakita namin sa IG Story ni Wyn na naaliw siya dahil candidate #43 siya sa screening ng MWP.

Nu’ng sumali siya sa Bb. Pilipinas 2015 ay #34 siya. So, parang na­baligtad lang ‘yung numero niya.

Ang sabi ng morenang Kapuso star sa isang interview, ang nobyo niyang si Mark Herras ang nagkumbinsi sa kanyang sumali dahil alam nito ang pangarap niya na maging beauty queen.

Hindi pinalad na mag-win ng korona si Winwyn nang sumali siya sa Bb. Pilipinas.

Sana this time ay suwertehin na siya.

Natupad ‘yung sinabi sa amin ni Mark nang huli namin itong makausap na sa Miss World PH sasali si Wyn.

Ang dalaga nina Alma Moreno at Joey Marquez pa ang hindi sigurado that time dahil meron siyang Mulawin vs. Ravena.

Hindi niya kasi matanggihan ang magandang role na ibinigay sa kanya ng GMA bilang si Ribay, ang Ravena na kanang kamay ni Reyna Rashana (Chynna Ortaleza) sa MVR.

Ang sabi sa amin ni Wyn, baka next year na lang siya sumali dahil nakakontrata siya sa show.

Ngayong official candidate na siya at kailangan na niyang mag-focus dito, ibig bang sabihin ay aalis na si Winwyn sa nasabing telefantasya?

Sakaling palarin siyang magwagi ng titulo ay hindi na muna sila puwedeng magpakasal ng boyfie niyang si Mark.

Okey lang dito si Wyn dahil mas gusto niyang makasungkit muna ng korona sa 2017 MWP.

At lagi rin nilang sinasabi ni Mark na mga 2 years pa bago sila lumagay sa tahimik.

2 Responses