
Aminado si Winwyn Marquez na sobrang masakit sa kanya na hindi makakasali sa Binibining Pilipinas. Pero alam daw niyang may mga bagay hindi talaga puwedeng pagsabayin.
“Due to the nature of the competition, BBP has strict rules that you cannot have existing contracts when joining. There will always be a part of me that wants to compete in the pageant setting, at masakit din sa akin na hindi ako makakasali pero alam ko na hindi puwede sabay-sabay ang lahat ng bagay.
“Kailangan mag-focus lang po sa isa to be able to succeed and do things well.
“I’ve given this much thought and careful consideration especially since when I focus on something, I commit 101% to it,” pahayag pa ng nanalong first Filipino Reina Hispanoamerica.
Bagama’t may nagpahayag ng kalungkutan sa kanyang pag-atras, marami namang followers niya ang suportado at inirerespeto ang desisyon niyang ito.
Gelli, Bayani ipinaglaban ang naghihingalong movie industry
Parehong hindi naniniwala ang mga bida ng “Pansamantagal” na sina Gelli de Belen at Bayani Agbayani na “dying” na ang ating movie industry.
On the contrary, ayon kay Gelli, mas marami nga raw ipinapalabas na pelikulang Pilipino ngayon compared noong mga 5 years ago.
At mas marami raw platforms ngayon dahil nga mayroon nang Netflix, Iflix, Iwant at iba pang online streaming na libreng panoorin.
Sey naman ni Bayani, kailangan nga raw ng mas maraming content ngayon dahil sa pag-emerge ng mga online streaming services.
“So, content ang kailangan, kailangang gumawa ng maraming pelikula. Eh bakit mamamatay?
Ang ibig sabihin, lalo pang lumalago ang industriya kasi nga, marami kang paglalagyan na puwede mong gawin at puwedeng pagbentahan ng gagawin mong produkto.
“So, ang tingin ko, mas lumalakas pa ang industriya ngayon kasi bukod sa napakaraming producers ang gustong mag-produce dahil napakaraming mga gustong bumili ng pelikula, napakaraming magagaling na directors, magagaling na writers, magagaling na cinematographer, so mas buhay ang mga pelikula,” pahayag ni Bayani.
Dagdag pa niya, ang dami raw magagandang pelikula ngayon kaya hindi raw niya masasabing dying ang movie industry.
“Ang sinasabi nila, konti na lang ang nanonood sa mga theaters.
“Sabi nga po ni Gelli, gumawa tayo ng kakaiba para nang sa ganu’n, bigyan tayo ng panahon at oras ng mga manonood.”
At ito raw pelikula nilang “Pansamantagal” ay masisiguro niyang kakaiba kaya they have high hopes na tatangkilikin ito ng ating moviegoing public.
Showing na ang “Pansamantagal” ngayong March 20 sa mga sinehan mula sa direksyon ni Joven Tan.