“THOSE who don’t jump will never fly!”
Confidently beautiful si Winwyn Marquez sa kanyang paglukso alang-alang sa koronasyon ng Miss World Philippines 2017, na gaganapin sa Linggo nang gabi sa Mall of Asia Arena.
Maliban sa ‘Miss World Philippines’ ay andiyan din ang titles na Reina Hispanoamericana Filipinas 2017, Miss Multinational 2017, at Miss Eco Philippines 2017.
Isa sa masugid na sumusuporta kay Wyn ay si Gerald Madrid, na ex ng ina ni Winwyn na si Alma Moreno.
Nanawagan si Gerald sa mga kaibigan niya sa Facebook para suportahan ang GF ni Mark Herras.