NAPAKAGANDA ng tindig ni Winwyn Marquez nang rumampa para sa Miss World Philippines competition kamakailan.

Confidently beautiful yet fierce ang dating ni Winwyn.

Marami rin sa fans niya ang nagsasabing nada­la niya sa pageant stage ang fierceness ng role niya sa Mulawin vs Ravena na si Ribay dahil sa mga ‘smize’ niya while walking.

Good luck, Winwyn!

***

Bukod sa haba-habaan ang hair ni Sanya Lopez dahil sa regalong puppy ng leading man niya sa Haplos na si Rocco Nacino, dumagdag sa mga magpapasaya sa kanya ang kaibigan niya at dating co-star na si Gabbi Garcia dahil sa heartwarming message nito sa kanya na posted online.

Pinagmalaki kasi siya ni Gabbi at sinabing proud ito sa mga naa-achieve ng kaibigan, lalo na ang Kapuso series nila ni Rocco sa GMA Afternoon Prime.

***

Marami ang natuwa sa video na pinost ni Dingdong Dantes sa Instagram after the wedding of his cousin Arthur Solinap and Rochelle Pangilinan na sumasayaw ng 90’s song.

Kasama si Carlo Gonzales at ang newlyweds, tuwang-tuwa ang fans dahil tila nagbalik ang Abztract Dancers ng magpinsan na tinitilian noon.

Wala pa rin daw pinagbago ang Alyas Robin Hood 2 lead star sa kanyang dance moves.

Puwede pa rin itong makipag-showdown hindi lang sa pakikipaglaban ng papogian kundi pati na rin sa dance floor.

***

Hindi pa man nagsisimulang umere, close na ang samahan ng bumubuo sa production ng Super Ma’am.

Una sila sa mga nagbigay ng birthday surprise kay Marian Rivera sa nalalapit nitong birthday.
Kuwento ni Yan, “Sabi lang, kailangan kang pumunta sa tent. Gusto ni Direk LA (Madridejos) na sabay kayo kumain kasi may idi-discuss daw siya sa ‘yo.

“Ito yata ‘yung isa sa mga na-surprise ako na hindi ko talaga in-expect.”