Wipe out?

horses-in-box Andy Sevilla

Dobleng paligo umano ang ginagawa ng mga sota ngayon sa mga kabayo sa karerahan lalo na doon sa mga mainit masyado ang panahon.

Lalo pa raw iinit ag panahon ngayong pagpasok ng Mayo kaya binabantayan ng trainers at sota ang kanilang mga kabayo, lalo na daw ‘yung mga ikinakarera nila ng madalas.

Tumaas ang demand sa mga dextrose lalo na para sa mga kabayo bago at pagkatapos silang isali sa karera. Kailangan kasi maibalik ang balde-baldeng pawis na nawawala sa kanila.

***

Sabi ng isang horse owner: “Drug-testing sa mga kabayo? Mahihirapan silang ipatupad ‘yan. Sige, kapag natuloy ‘yan, mauubos ang populasyon ng mga kabayong pang­arera dito sa atin!”

***

Maraming ­motorista ang natutuwa sa mga ­operasyon ngayon sa ­Kamaynilaan tungkol sa pag-aalis ng mga naka­tambak o nakaparada sa mga lansangan.

Pero hanggang kailan kaya ito magtatagal. Ni­ngas-cogon nga lang daw ito sabi ng marami dahil pagkaalis ng mga naka­tambak o nakaparadang sasakyan, balik na kaa­gad kinabukasan.

Matitigas at mga siga ang mga nagtatambak at nagsisiparada sa mga lansangan, inangkin na nila ang mga ito noon pa kaya mahihirapang mai­patupad ang paglilinis nang ganun lang. Hindi katulong ng MMDA ang mga barangay dito dahil sila pa nga ang promotor sa kabalahuraan ng ­Kamaynilaan.

Dapat at karagdagang pulis o sundalo na magbabantay magdamagan sa kalye ang kailangan para tuluyan nang mawala ang kalat sa lansangan ng Kamaynilaan!