Pinaalalahanan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson si Justice Secretary Menardo Guevarra na paglabag sa batas ng Pilipinas ang anumang impormasyon o materyal na bunga ng mga wiretapping activity.
Ito’y kasunod ng pahayag ni Guevarra na maaaring ipasa sa gobyerno ng Pilipinas ang isang wiretapped information na galing sa isang bansang pinapayagan at pinahihintulutan ang anumang iligal na aktibidad sa Pilipinas tulad ng pagpuslit ng droga.
“Mr. Secretary, possession of wiretapped material is also an offense,” sabi ni Lacson.
Ang anumang impormasyon o materyal na bunga ng mga wiretapping activity na imported o galing sa ibang bansa, ayon kay Lacson ay sumasalungat din sa pangunahing obligasyon ng Estado na protektahan ang mga Pilipino laban sa pang-aabuso at banta.
Isa aniya sa klarong halimbawa nito ay ang paglapag sa paliparan ng bansa ng isang indibidwal na may bitbit na marijuana.
Ito ay sigurado, sabi ni Lacson na masasampahan agad ng kaso ng paglabag sa mga batas ng Pilipinas laban sa iligal na droga.
“What if someone brings into the country marijuana which he/she got or bought from a foreign country where possession and use of the same is legal? Will the person who brought in the marijuana not be violating the Dangerous Drugs Act?” tanong pa ni Lacson.
Batay sa Republic Act 4200 o Anti-Wiretapping Law, labag sa batas at may katapat na mabigat na parusa ang magwa-wiretap ng mga pribabong pag-uusap kung ito ay walang permiso.