Knockout victory ang hangad at panalangin ni Senador JV Ejercito para kay Manny Pacquiao na makikipaglaban nga­yon sa Australian boxer na si Jeff Horn.

“Im praying for Manny Pacquiao’s victory. Sana magkaroon na uli siya ng knockout out medyo matagal na wala siyang knockout victory,” ayon kay Ejercito.

Kahanga hanga pa rin umano si Pacquiao dahil sa kabila ng kanyang edad ay napanatili pa rin umano nito ang kanyang bilis sa pagsuntok.

Sa tingin naman ni Senate Majority leader­ Vicente ‘Tito’ Sotto, mahihirapan si Horn kay Pacquiao kahit na mas bata ito dahil ang bawi umano ng huli ay ang experience o karanasan nito.

Nag-iisang senador si Sotto na manoood nga­yon sa laban ni Pacquiao kay Horn para bigyan na rin ito ng moral support.

“Baka mahirapan si Jeff Horn talaga laban kay Manny. Ang bawi ni Manny diyan ay ‘yung experience, nakakondisyon siya, hindi overweight,” ayon kay Sotto.

Aminado si Sotto,­ bagama’t dehado si Pacquiao pagdating sa crowd ngunit hindi umano ito big deal sa Pambansang Kamao.

One Response

  1. Masyado kayong tiwala sa galing nya… palaos na si paquiao…. anong nangyari ngayon? talo ang idol nyo. ang pilipino kapag tumanda hindi nagiging master, hindi katulad sa chinese kapag tumanda nagiging Master .. LOL