Wish ni Sarah sa 29th b-day: GROWTH

sarah-geronimo

GROWTH ang birthday wish ni Sarah Geronimo, na nag-29th birthday kahapon, July 25.
Growth sa lahat ng aspeto ng kanyang pagkatao at saka maturity and wisdom.

“Pinakaimportante ang wisdom to make the right decisions in life at sa trabaho,” sambit ng birthday girl.

Bale birthday gift ni Sarah para sa mga nagmamahal sa kanya ang ikaapat na movie nila ni John Lloyd Cruz together na Finally Found Someone.

May birthday wish din si Lloydie para sa leading lady nito.

“Kung anuman ‘yung nagpapaligaya sa ‘yo, kung sinuman ‘yon, kung tao man ‘yon o bagay o kung anuman ‘yon, sana lagi siyang nandu’n.

“Although minsan, feeling ko masyado nang overrated ang happiness. Ha! Ha! Ha!

“Gusto ko lang, la­ging okey ka. Alam ko, hindi perfect ang buhay. Hindi perfect ang kahit na anong bagay, pero sana at the end of the day, okey ka.

“Malungkot ka man, may pagdaanan ka man, sana okey ka,” dayalog ni JLC para kay SG.

Dagdag pa ni Lloydie, wish niya rin kay Sarah na maabot nito kung ano pa ‘yung mga gusto nitong ma-achieve in terms of her music dahil iba rin ang tinatawag na artistic growth.

Wala kaming nakitang post o birthday greeting sa social media ng boyfie ni Sarah na si Matteo Guidicelli kahapon, pero tulad ng mga nakaraang kaa­rawan ni Sarah, siguradong meron itong inihandang something special para sa birthday girl.