Okay, it’s clear na may 5,000 pang problematic OFWs sa Saudi Arabia dahil na rin sa inilatag na programa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa kanila.
Ang programa ay ang 90-day “Nation Without Violations” Amnesty Program para sa mga OFW na ang iqama ay nag-expire on or before March 19, o ‘yung mga may work permit pero walang iqama.
Ang iqama ay ang identification card na ibinibigay ng Saudi government sa lahat ng foreign workers sa bansa. No iqama, no transactions with Saudi government agencies.
Haj overstay
Pati ang simpleng remittance ng pera mula Saudi patungo sa Pilipinas ay nagiging mahirap kung walang iqama ang isang foreign worker.
Hindi lang runaway OFWs ang pwede mag-avail ng programa ng OWWA dahil pati ‘yung nag-overstay sa kanilang Umraj at Haj visit ay pwede maka-avail nito.
Kabilang sa services provided ay ang airport assistance at post-repatriation services sa OWWA halfway house, psychosocial counselling, stress debriefing, medical referral at pamasahe pauwi sa kani-kanilang probinsiya.
Deadline
By the way, hanggang June 17 lang ang OWWA program so hindi na dapat mag-aksaya ng panahon ang gusto mag-avail. As of the last count ay 331 pa lang sa 5,000 target OFWs ng OWWA ang nag-avail.
Of the 331 ay 105 na ang na-repatriate noong April 16 at ng 150 na kasabay ni President Duterte na bumalik ng Pilipinas noong April 17.
As an enticement, P10,000 cash din ang naghihintay sa mag-a-avail ng programa.
Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com.